

SNHS Announcement
KAUNTING KAALAMAN patungkol sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020
Nakatakdang magbukas sa August 24, 2020 ang School Year 2020-2021, pero HINDI ito ibig sabihin na may FACE TO FACE interaction ang mga mag-aaral at guro.May nakahandang ibat-ibang ALTERNATIVE DELIVERY MODES ang DepEd para isagawa ito. Kung ano ang gagamitin ay depende na po sa rekomendasyon ng Paaralan na aaprubahan ng Regional at Division Office. Kaya po magkakaroon ng enrollment simula sa June 1 para pag-usapan ng mga magulang at guro ang Delivery Mode na maaaring gamitin para sa inyong anak.
​
1. FACE TO FACE - ito ang traditional classroom scenario, na maraming magulang ang may ayaw dahil sa takot na mainfect ng virus ang kanilang mga anak. Ito ay nirerekomendang gamitin lamang sa mga lugar na walang banta ng Covid na papahintulutan ng IATF. Ngunit kung ito man ang mapagkasunduang gamitin na pamamaraan, may mga ginagawa ng paghahanda para dito, tulad ng: pagbabawas ng bilang ng mga mag-aaral na papasok kada araw; pag-observe ng physical distancing; pagpapatupad ng Minimum Health Standards tulad ng regular na pag-disinfect sa buong paaralan; paghuhugas ng kamay; pagsusuot ng face mask; ang pag-alam ng temperature ng bawat mag-aaral; at posibleng pag-undergo ng rapid test sa bawat guro.
​
2. DISTANCE LEARNING MODE – ito ay may ibat-ibang pamamaraan at nangangailangan ng suporta at gabay ng magulang.
a. Online Distance Learning - ito ay ang pag-aaral gamit ang laptop o smart phones at internet. Synchronous type (ito ay real time. Ibig sabihin kailangan mag-online ang bata sa oras ng kanyang klase). Asynchronous type (magoonline lamang sa time frame na binigay ng guro)
b. Modular - ito ay paggamit ng mga Learning Modules (printed o electronic) na ibibigay ng paaralan sa bawat mag-aaral upang pag-aralan sa tinakdang time frame. Kailangan gawin at sagutan ang mga activity na isinasaad sa bawat module.
c. TV and Radio Broadcast – ito ay pamamaraan na maaaring gamitin sa pakikipagtulungan ng mga broadcast network.
​
Tanong: Paano gagabay o magtuturo ang magulang sa anak kung wala naman daw itong kakayahan?
Sagot: Bago mag-August 24 ay bibigyan po ng pagkakataon ang mga magulang o sinumang volunteer na i-capacitate ang sarili para dito. Sila ay sasailalim sa ilang training na ibibigay ng paaralan.
​
Tanong: May babayaran po ba sa pagkuha ng Learning Modules?
Sagot: Ito po ay provided ng paaralan.
​
3. BLENDED LEARNING – ito ay pinagsamang FACE-TO-FACE at DISTANCE LEARNING MODE. Maaaring may araw na magtutungo ng paaralan ang bata at may araw na sya ay mag Online Distance Learning o mag-modular, kung ito ang isa sa nakikitang mas epektibong paraan upang matuto ang bata.
​
4. HOME SCHOOLING – ito ay pamamaraan kung saan ang bata ay nasa bahay lamang, nag-aaral kasama ang magulang bilang guro.
​
Tanong: Paano bibigyan ng marka ang mga bata?
Sagot: Maglalabas ang DepEd ng panibagong Assessment Tool.
​
Tanong: Paano isasagawa ang assessment?
Sagot: Sa distance learning, formative test lang ang ibibigay (hindi po graded ang formative) pero ang bata ay magtetest sa oras na pwede na at may pagkakataon na. Kaya habang nasa bahay, siguraduhing matutunan ng bata ang skills na dapat niyang matutunan para kapag nag-exam na siya ay alam nya isasagot.
​
Tanong: Anong skills ang ituturo sa bata?
Sagot: Binawasan po ng DepEd ang Learning Competencies upang makapag-focus lamang sa Most Essential Learning Competencies.
​
Tanong: Bakit kailangang magbukas na ang klase, gayung wala bang bakuna laban sa covid?
Sagot: Kung ipagpaliban po natin ngayong taon ang pasukan dahil walang bakuna, sigurado po ba tayo na by next year may bakuna na? Paano po kung aabutin pa ng 2 o 3 o higit pang taon bago magkaroon ng bakuna? ibig sabihin po ba ay 3 o higit pang taon hihinto ang ating mga anak sa pag-aaral?
​
Ang DepEd po ay naglalatag nang mga paraan upang di mahinto ang pagkakatuto ng ating mga anak. Kooperasyon at Suporta lamang po ang kailangan.
​
Ang mga magulang ang syang nakaka-alam kung sa paanong paraan matututo ang kanilang mga anak. Kung kaya ng mga bata na matuto kahit nasa bahay lang; kung kaya nilang magsilbing guro ng kanilang mga anak; kung madali bang maturuan ang kanilang anak ng proper hygiene at physical distancing; kung kayang matuto ng mga bata gamit ang laptop at internet; kung sapat ba ang matututunan ng bata gamit ang module; at kung saan mas effective ang pag-aaral nila.
​
At the end of the day, ang DESISYON po kung ie-enroll ninyo ang inyong mga anak this school year ay nasa inyong mga kamay.
​



Salapingao National High School will officially start the new normal education by August 24th, 2020.
August 2020
24 - Bring all the requirement needed for the class SY 2020-21
- Avail your respective books needed in each subject.
Click to answer school surveys. (NEARPOD link)
Click to add comments & suggestions. (PADLET link)
MySNHS (Deped Memo)

NAME
TITLE
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. I’m a great place for you to tell a story and let your users know a little more about you.

NAME
TITLE
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. I’m a great place for you to tell a story and let your users know a little more about you.

NAME
TITLE
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. I’m a great place for you to tell a story and let your users know a little more about you.